Iba talaga ang magic ng Pasko, ‘di ba? Pero kapag ito ang First Christmas ng baby mo, parang mas maliwanag pa ang mga ilaw at mas masaya ang himig ng mga kanta.
Dito sa Pilipinas (at kahit saang sulok ng mundo kung saan nandun ang mga Pinoy), ang Pasko ay hindi lang basta holiday. Ito ay tungkol sa pagmamahal at pamilya. It is the time when we celebrate the birth of Baby Jesus, ang simbolo ng pag-asa. At ngayong taon, may sarili na kayong “munting anghel” na nagbibigay ng bagong saya sa inyong tahanan.
Imagine this: Ang iyong bagong “bundle of joy”, nakatingin sa mga makikinang na Christmas balls, nanlalaki ang mga mata at tumatawa. Para bang sinusubukan nilang abutin ang kumukutikutitap na parol o di kaya ay hawak ang damit ni Lolo at Lola. These are all “pricelss moments”.
Sa Picture Picture, we cherish these moments with you. Alam namin na ang family photo shoot with your babies – 1-year-old man or toddlers, is an adventure! Minsan iiyak si baby, minsan tatawa, minsan gusto lang mag-crawl palayo, okay lang po sa amin ‘yun! That is the beauty of family bonding. We are here to capture the realness, the authenticity of that love—ang yakap ni Mommy, ang pagpapatawa ni Daddy, at ang inosenteng ngiti ni Baby.
Napakahalaga ng Paskong ito. Ito ang kwento na sasabihim mo sa kanya paglaki niya balang araw. Sasabihin mo, “Anak, ito ‘yung unang beses na nakita mo si Santa” o “Ito ‘yung Pasko na kumpleto tayo.”
Para sa ating mga Pilipino, “family is everything”. Kahit nasa abroad man ang ibang Tito o Tita, kapag nakita nila ang picture ninyo at ni baby na naka-Christmas outfit, parang umuwi na rin sila. The photo becomes a bridge that connects everyone.
So this December, take a moment to pause. Huwag masyadong mag-stress sa handa o regalo. Ang pinakamagandang regalo ay ang oras na magkakasama kayo. Look at your baby and realize how blessed you are.
We are honored na maging bahagi kami ng inyong “Unang Pasko.” Hayaan niyong tulungan namin kayong itago ang alaalang ito. Dahil ang panahon ay mabilis lumipas, pero ang litrato ay mananatili habang-buhay.
Maligayang Pasko mula sa aming pamilya sa Picture Picture, para sa inyong pamilya!
Thank you
Happy😊